Tunay na pagpapala
3. Asenso
Kaibigan wag mong isiping ang labis na mithiin ng mga material na bagay o ang labis na pangarap sa mundong ito ay hindi mabuti sapagka't ikay nandito sa mundo para malayang gawin ang anumang mga bagay na gusto mo wag mong isiping ang mga mahihirap lamang ang makakapunta sa langit. Tandaan mo na ang pagyaman ay resulta ng biyaya na ibinigay ng diyos sa atin. Ang buhay ay hindi nangyayari sa iyo kundi ikaw ang gumagawa ng buhay mo wag mong sisihin ang diyos,pamilya,etc sa mga nangyayari sa iyo ngayun sa totoo lang gusto ng diyos na maging matagumpay ka gusto ng diyos na maging isa kang tunay na mayaman.
2 Corinthians 9:8
At maaaring gawin ng Dios na ang lahat ng biyaya ay magsisagana sa inyo; upang kayo, na mayroong laging buong kaya sa lahat ay magsipanagana sa bawa't mabuting gawa
Matthew 7:11
Kung kayo nga, bagaman masasama ay marurunong mangagbigay ng mabubuting kaloob sa inyong mga anak, gaano pa kaya ang inyong Ama na nasa langit na magbibigay ng mabubuting bagay sa nagsisihingi sa kaniya?
3 John 1:2
Minamahal, aking idinadalangin na sa lahat ng mga bagay ay guminhawa ka at bumuti ang iyong katawan, na gaya ng pagginhawa ng iyong kaluluwa.
Proverbs 10:22
Ang pagpapala ng Panginoon, ay nagpapayaman, at hindi niya idinadagdag ang kapanglawan.
Jeremiah 29:11
Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo; mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong ikabubuti. Ito'y mga planong magdudulot sa inyo ng kinabukasang punung-puno ng pag-asa.
Job 36:11
Kung sila'y makinig at maglingkod sa kaniya, kanilang gugugulin ang kanilang mga kaarawan sa kaginhawahan, at ang kanilang mga taon sa kasayahan.
Ngayun ay alam mo na ang kamalayang ito na gusto ng diyos na ikaw ay maging maunlad para lamang sa ikabubuti ng iyong buhay, para lamang sa ikasasaya ng iyong buhay sapagkat Ang tunay na pagpapala ay nanggagaling sa ating diyos siya lamang ang may karapatang magbigay sa kung ano man ang iyong hinihingi sapagkat ang lahat ng mabubuting kaloob na natanggap mo ay galing sa kamay ng ating Ama, Kaya dapat na malaman mo ang impormasyong ito para mapagtanto mo na ito ang mithiin ng diyos para sa iyo kung ano man ang mga mithiin mo ngayun, iyan ay mithiin ng diyos.
Ngayu'y napagtanto mo ang kaalamang ito naway maging gabay mo ito para sa pag asenso ng buhay tungo sa tunay na kayamanan, bawat post na itinuturo ko dito ay puro purong mga impormasyon lamang po sa kasaganaan at secreto sa tunay na kayamanan, dapat parin na maging kontento lamang po tayu sa buhay pero huwag at huwag kang hihinto sa paghahanap ng kabutihan para sa ikauunlad ng buhay mo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento