Engelbert_seblos

1. Tunay na kayamanan..

Ako nga po pala si Engelbert Seblos na nasa proceso ng pagbabago at sa aking pagbabago ay gusto ko din pong makatulong para hindi lamang po ako ang natuto kayu din, bata paman ako ay gusto ko nang maunawaan ang secreto ng buhay at kung ano ang nakatagong kapangyarihan dito sa ating buhay umabot ako sa kaalamang tinatawag nilang lihim na karunungan hanggang tumungtong ako sa edad na dalawampong taon na pagsasaliksik sa tunay na kapangyarihan dito ko na discover ang isang law or batas na sya mismong pinakamalaking secreto ng buhay isang unibersong batas para maging malaya sa kahirapang physical o maging sa spiritual man walang iba kundi ang secreto ng kayamanan sa ibang katawagan ay maaari ding tawagin na law of attraction daw, lahat naman siguro ng tao ay gustong yumaman pero bilang lang ang tao na gusto malaman ang proceso ng pagyaman at sila din naman ang dahilan kung bakit hindi sila yumayaman sa kadahilanang pa iba iba lang ng isip ang tao walang kakayahang mag focus at nagdududa sa sariling kakayahan at walang eksaktong layunin sa buhay. 

Kaibigan, nakikita ko na halos lahat sa atin dito sa pilipinas ay negatibong mag isip, kulang sa disiplina at tamang pag-uugali, sari saring problema ang hinaharap sa araw-araw isa na duon ang kakapusan sa pera. Pero paano nga ba natin mawawasak ang problemang ito, ilang taon na ang nakalipas na ang tao ay kayod ng kayod para lang may maipakain sa kanyang pamilya ilang taon na ang lumipas na nakikita ng tao na ang buhay ay isang kapalarang napakahirap gawin ilang taon naba ang sinakripisyo mo para lang maangkin ang karangyaan pero hanggang ngayun ay wala ka namang resulta, hanggang ngayun ay para bang hindi mo parin alam ang sagot kung ano nga ba talaga ang tulay o secreto patungo sa landas na iyong minimithi ang alam mo lang siguro ay magkayod at magtrabaho pero yung pangarap mo na gusto mong magkabahay o magkakotse ay hindi naman natupad. 

Kung ngayun ay isa kang empleyado, trabahante, ofw, negosyante o tambay hindi ka nagkakamali sa pagpindut ng blog na ito sapagkat ikaw ay itinakda para malaman mo ang secretong matagal ng itinatago ng mga taong tunay na mayaman ang blog na ito ay tutulong sa iyo sa paghuhulma ng magandang kinabukasan mo ito na ang panahon para malaman mo ang secreto, Ang mga impormasyong ito ay sya mong gabay para sa paghuhukay ng ginto
Ang layunin ko po sa blog na ito ay para matulungan ko po ang lahat ng tao sa buong mundo para mapunta sila sa landas na tunay nilang minimithi at para maging isang malayang bansa sa kahirapan ng pag-iisip, spiritual at sa mga material na bagay ang blog na ito ay tungkol po sa pagbabago ng iyong sarili once na mababago mo na talaga ng tunay ang iyong sarili hindi ka po pagkakaitan ng diyos ng grasya at biyaya.


Ezekiel 36:26-2726 Bibigyan ko kayo ng bagong puso at bagong espiritu. Ang masuwayin ninyong puso ay gagawin kong pusong masunurin. 27 Bibigyan ko kayo ng aking Espiritu upang makalakad kayo ayon sa aking mga tuntunin at masunod ninyong mabuti ang aking mga utos.

Ang mga aral na makukuha mo sa blog na ito ay ang karunungang nakapag uudyok sa iyo para maging isang matagumpay sa larangan ng kasaganaan, Importanteng malaman nyu na kailangan ng ating sarili na himukin ang iyong pag iisip sapagkat isa ito sa paraan para makapag pokus at para maging isang may malinaw na daan patungo sa tagumpay at kasaganaan, Paano nga ba natin mahimuk ang ating sarili? Ang pagbabasa sa aking blog at ang pakikipag usap sa akin o pagbabasa ng mga libro sa kayamanan ay ang mga halimbawa para mahimuk mo ang iyong sarili. Kaya subaybayan nyu nalang po ang aking mga aral na ibabahagi ko sa buong pilipinas at sa mundo sa blog na ito, importante din po na masunod nyu ang mga steps from 1 to 100 wala pong hahakbang sa inyu kung gusto po talaga natin ng tunay na matiwasay na buhay. KAILANGAN PO NATIN ANG MAG-ARAL.

Ang mga feedback nyu ay isa din po sa paraan para ma udyok ang aking sarili sa pagpost ng mga secreto sa blog na ito para hindi mauwi sa wala ang mga aral na aking nalaman sa mga samut saring libro ng kapangyarihan hindi ko ipagdadamot ang araling ito sapagkat ang systema ng ekonomiya ay para lumawak at lumaki ang ating alam.

Paalala: Bawal ang pagsasanay na ito sa mga taong may sakit sa puso.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kabuoang Enerhiya

Unibersong talakayan