Kasaganaan ng buhay

4. Kamalayang kayamanan

Hindi ka pumunta sa blog na ito para magbasa lamang o maglibang ng oras nandito ka dahil gusto mong malaman ang tunay na secreto ng kayamanan pero bago ang lahat ng iyon ay dumaaan ka muna sa kamalayang kayamanan na kung saan lilinawin mo ang iyong isipan at ipahintulot sa iyong isipan na ngayuy tumutungtong ka na sa kamalayang kayamanan wala kang ibang iniisip kondi ito lamang. 
Ano nga ba ang kamalayang kayamanan? ito ay ang spiritualidad na kung saan na ang biyaya ay sya mong pino pokus ito ang antas na kung saan tinatanggap mo na ang iyong pag babago sa buhay hindi madali sa tao ang tunay na pagbabago tungo sa kamalayang kayamanan kaya merun akong mga paraan dito na magagamit mo sa pagbabago.

1. Mag-nilay o Meditate - Ito ay isang spiritual na gawain na kung saan na ang utak mo ay                                                                     pinapalinaw mo .
Para maka pag pokus ka sa mga bagay na gagawin mo dito sa pagsasanay ng kasaganaan sa buhay para maging maunlad. Ito ang pinaka unang gagawin kung gusto mo talaga ng pagbabago sa buhay patungo sa landas na ninanais mo, pinapayu ko na simula ngayung araw ay ugaliin mo na ang magnilay sapagkat ito lamang ang paraan para mas makapag pokus ka talaga sa mga aralin dito.

Mga benefits na makukuha mo sa pagbubulay-bulay o nilay:
a. positibong enerhiya ang sya mong pinapalapit sa iyo, pag tayo ay nag ninilay at nagagawa natin ito ng tama ay dumadaloy sa atin ang enerhiya ng uniberso na kung saan sya ang tutulong sa iyo para makuha ang mga plano mo dito sa mundo o kung ano mang mga mithing nasa puso mo, at nagbibigay ito ng kalinawan ng isip tandaan na ang magulong isipan ay walang patutungohan.
b.) Relaxation, hindi lang pagpapalinaw kundi pinaparelax mo ang katawan mo sa pagsasanay na ito kasi halos araw-araw tayu ay may ginagawa minsan ay hindi natalaga tayu makaugaga halos di na natin napagtutuonan ng pansin ang ating sarili kaya ang pagninilay ay sya lamang paraan para mag bigay ng oras sa iyong sa sarili.
c.) Pinapaandar mo ang koneksyon ng concious mind doon sa subconcious mind mo, Ang conscious mind ay ito yung utak na kung saan ginagamit natin araw-araw sa mga emosyon, sa mga pag-iisip at sa mga samutsaring kausap sa conscious mind ay dito din nagsisimula ang mga pangarap mo mga plano mo o kung ano paman, Ang unconcious mind naman or kilala sa tawag na subconcious mind sa iba nga ito daw yung spirit, ay ito yung parte ng utak mo na hindi pangkaraniwan sapagkat ito ang parte ng utak na kung saan hindi mo nacocontrol sapagkat gumagana sya sa kanyang sariling struktura lamang na kung anong sasabihin sa conscious mind mo ay tatatak ito sa subconcious mind mo at yun ang kanyang susundin kung sakaling nakikita mo sa sarili mo na may mga hindi magagandang salita ang mga binibitawan mo mag sesend ito ng energy sa subconcious mind mo at iyon din ang resulta sa buhay mo kaya pinapayuhan po talaga ang pagninilay para maging maayus ang daloy ng koneksyon ng katawan mo doon sa spirito mo at para ang spirito at ang katawan mo ay tunay na magkaisa.
d.) napapagaling nya ang mga sakit mo isa ito sa mga paraan para mawala ang mga hinanakit sa puso mo at sa physical man na katawan.

Paano nga ba ang mag meditate o magnilay 

Psalm1. 2-3
Kundi ang kaniyang kasayahan ay nasa kautusan ng Panginoon; at sa kautusan niya nagbubulaybulay siya araw at gabi. at syay magiging parang punongkahoy na itinanin sa mga siping ng agos na nagbubunga sa kanya ng mga kapanahunan at ang kanyang dahon namay hindi malalanta at anong kanyang gawin ay giginhawa.

Ang pagninilay ay magagawa mo lang po iyan sa simpleng paraan kagaya nung nasa larawan ganun lamang po ang iyong gagawin importante po na nasa matahimik na lugar kayo para hindi magambala ninuman pumikit, umupo at e cross lamang po natin ang ating paa at i clasp ang kamay gaya nung nasa larawan at huminga ng isang malalim na paghinga tatlong beses, ang mahirap na parte lamang po sa pagninilay kung paano ma wala ang mga iniisip mahirap po talaga sa simula ang paglilinaw ng isip kaya mas maganda kung ulit ulitin mo ang paraang ito yang mga imahe na lumalabas sa isipan mo hayaan mo lang yan isang tips ko sa inyu para madaling mawala ang mga iniisip mo ay mag focus lamang po kayo sa inyung hinga yan lamang po at maaasahan mong mawawala po ang mga bagay na nasa isipan nyu at makakamit nyu ang kalinawan ng isip.

Kailan ito gagawin:
Gagawin mo lang ang paraang ito tuwing umaga at gabi o sa kahit anong oras na hindi ka po busy sa unang pagsubok nito ay gagawin mo ito ng mga dalawang minuto lamang hanggang kung kaya mo na ang dalawang minuto ay gawin mong limang minuto kung kaya muna ang limang minuto mas maganda kung makakaabot ka ng tatlumpong minuto at pagnatapos na ay agad na magpasalamat.

                                      



Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Kabuoang Enerhiya

Engelbert_seblos

Unibersong talakayan